Skip to law

Memorandum Circular No. 339 (1970)

Memorandum Circular · March 31, 1970


MALACAÑAN PALACE

MANILA

BY THE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES

[ Memorandum Circular No. 339, March 31, 1970 ]

Bilang pag-alaala at pagpaparangal kay Francisco Balagtas, Prinsipe ng Wikang Pilipino, sa kaarawan ng kanyang pagsilang sa ika-2 ng Abril, 1970, ay iniaatas at itinatagubilin sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin hangga’t maaari ang wikang Pilipino sa lahat ng komunikasyon at transaksyon, alinsunod sa ipinag-uutos ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 na may petsang ika-6 ng Agosto, 1969.

Ayon sa kapangyarihan-gawad ng Pangulo:

(SGD.) ALEJANDRO MELCHOR

Pansamantalang Kalihim Tagapaganap

Manila, Ika-31 ng Marzo, 1970

Read the source ↗

Contents